Tuesday, March 31, 2009

WALANG UNDERWEAR???


“Agad kong hinubad ang aking suot pantaas, kinuha ang aking sinturon at madaling tinanggal ang aking pantalon.”

"...natupad na ang pangarap kong BIGBROTHER, surVIVOR, at fEAr Factor experience in one!


Isang dapat ay napaka busing araw ay gumising ako sa di tamang oras. In short late na akong gumising kumpara sa naka schedule kong gising. Tumingin ako sa aking organizer at ito ang bumulaga sa akin

6:00am – devo, 8:30am – birth certificate sa munisipyo, 10:00am gawa ng resume, 1:00PM magbayad sa DMC, print songs, bili ng ng devo notbook, etc… etc..etc…—

Alas dyes ng umaga na nang ako naka gising! Di ko na malaman ang gagawin! Ano ang una at saan magsisimula. Nakasanayan na, pagkagising at syempre ang unang unang hahanapin ay ang cellphone! Kapa! kapa! Kapa! Hayon ang aking cellphone! at tamang tama sa labing apat (24) na menshe na nasa aking inbox ay may isang nagtxt sa akin galing sa isang kaibigan.

Paulo: Jong, wer ka now? Sabay ta Digos mi ni Ivo.terminal na mi karon.

Nireplyan ko….

Mart: Huh?! Mag unsa mo didto?

Paulo: graduation sa uyab ni Joseph.

Mart: Huh!? Nganong karon ra man mo nitxt nako uie.

Paulo: Abi man gud namo busy kaayo ka sa imong career! Basta sabay ka?

Mart: Basta naa man kahay kaon didto? Sige hulata ko dira w8!!!!

Translation: ( Isang kaibigan ang nagyaya papuntang ibang nayon: at sumama naman ako kasi may kainan daw!)

Daling dali akong naligo, nagbihis, kumain at gumawa ng devo. At pagkatapos Pumunta ako sa ecoland terminal. Hayon naabutan ko ang aking dalawang kaibigan na inis na inis kasi ang tagal ko daw. Ang sagot ko naman -tagalized version: “ Bakit kasi ngayon nyo lang akong sinabihan? Na nasa terminal na kayo? Kagigising ko lang! eh kung sinabihan nyo kaya ako kagabi pa? eh sana nasa Digos na tayo ngayon ..etc.. etc.. wag nyong painitin ang ulo ko!“ haha! At parang nasindak ko pa sila.. ganyan lang yan.. hehe.. reverse psychology ehka nga! Lol!

Agad agad ay sumakay kami ng BUS papuntang Digos City. Habang nasa Bus hayon.. kwentuhan, asaran at kung ano ano pa!. Nang nasa Digos na kami ay dumeretso kami sa CAP ang venue kung saan ginaganap ang graduation ng pinuntahan namin. Pumasok kami at nanood ng graduation ceremony nila ng buong seesion na naka tayo. Wala na kasing upuan. Kahit na masakit sa paa eh di parin ako umalis. Aliw na aliw ako sa mga nagsaslita sa harap.: Ang mga masters of the ceremony, guest speakers, ang mga nag speech etc…. Hindi dahil napaka inspiring ng mga sinasabi o nakaka touch kundi dahil sa mga mali maling ingles at pagbigkas ng mga salita. Para akong nanoonood ng paborito kong comedy show. Hehehe. Pagkatapos ng seremonya ay napaka exited ko kasi sa isip ko kainan na! Ngunit ako’y nabulaga ng huminto kami sa Jollibee. Hayon at doon pala ang kainan. Isang burger meal na walang cheese ang kinain namin. Masayang masaya naman ang lahat na nagkukuwentuhan. Masaya naman ako kasi kahit papaano eh libre lang yon. Masarap nga ang libre. Kahit anong libre. Hehehe..


Sa daan pauwi kasama ang dalwa ko pang kaibigan naisip nilang pumunta muna sa isang isla daw na maganda ang view. Hayon at pumayag naman ako. Bumaba kami sa may Sta. Cruz at doon sumakay ng banka papuntang isla. Pag apak ko sa isla ay napaka saya ko! Wowwowowow!! Wowowwow!! Ako’y napapa Siiinnnggg!.. Nagandahan ako sa nakita ko, isang maliit na isla sa gitna ng karagatan, white sand at napakaganda ng mga cottages. Ako ay agad na naglibot sa buong lugar tinanggal ang aking sapatos at naka paa na parang batang nag tatatakbo sa tuwa. Kumukuha ako ng litrato gamit ang malapit na ma empty batt kong cellphone. Habang ako ay naglibot, naisipan kong ang sarap maligo. Ngunit wala nga sa plano ang pagpunta namin sa lugar na yon. Isang pang graduation ceremony nga ang mga kasuotan namin at higit sa lahat wala naman kaming damit na pampalit o kahit tuwalya man lang… Nawalan kami ng pag-asang maligo. Ngunit dahil napaka talino ko nga, sabi nila. Gamit ang napaka galling kong isip, may napaka brilliant akong ideya: “ Bat di nalang tayo mag briefs maligo?! At pauwi wag nalang tayong mag briefs?!” .. Hayon at ang dalawa kong sanguine na kasama ay pumayag naman kaagad sa kanilang pinuno. Hahaha!! Agad kong hinubad ang aking suot pantaas, kinuha ang aking sinturon at madaling tinanggal ang aking pantalon. Nilagay ko sa isang tabi at agad agad na tumalon talon, tumakbo, takbo at naligo sa gitna ng karagatan.. aahooo!!! Im freeeee!! Hahaha.. Sumonod naman ang dalawa pagkatapos ng ilang minuto. Gusto ko sanang kumuha ng litrato sa mga oras na iyon ngunit wala naman kaming dalang digital camera at nawalan ng batterya ang mga cellular phones namin. Hindi na namin yon inisip basta kami ay lumangoy langoy! Tumakbo takbo sa ilalim ng napakalaking buwan at nag luluningning na mga bituwin sa gitna ng kalangitan.haha! ang aliw!!


Muntik pang hindi kami makauwi sa gabing iyon kasi nga patay na ang aming mga telepono. Di na namin ma text ang kabilang isla upang kami ay kunin gaya nang napagkasunduan. Akala ko talaga ay ma sastcok na kami don ng walang damit at pagkain. Wala na ngang ibang naliligo doon wala pang tindahan. Huhuhu! Buti nalang andon pala ang bata na kasama ng bankero, hinihintay kami. Buti na lang. Edi sana natupad na ang pangarap kong BIGBROTHER, surVIVOR, at fEAr Factor experience in one! haha

Nang kami ay pauwi at sumasakay ng Bus at taxi nag aasaran kami upang marinig ng mga katabi namin na wala kaming underwear na bumabyahe. Hahaha.. Pwede pala yon. Di naman alam ng mga tao na wala kami non. Hahaha..

Bago sila umuwi sa mga bahay bahay nila eh pumunta muna kami sa aming bahay at doon nag haponan. Ikinwento naming tatlo sa mga magulang ko ang mga nangyari at nabaliw din sila sa kakatawa. Hahaha! Pero wag nadaw ulitin kasi delikado. Baka matulad kami sa mga ICRC volunteers na, na hostage! Haha!

MGA LEKSYON:

  1. Pwede palang maging napakaaliw na araw ang dapat na napaka busing araw.
  2. Magtanong muna kong saan ang kainan, bago pumunta sa malayong lugar para kumain. ( pwde naman akong kumain sa jollibee sa may malapit lang sa amin kesa gumastos pa ng mahigit P160 na pamasahe para lang kumain sa napakalayong branch ng Jollibee.
  3. Magdala ng digicam palagi at extra battery
  4. Wag gawing comedy show ang isang napaka seryosong seremonya ( pigilan ang tawa)
  5. Higit sa lahat magdala na ng underwear kahit saan man magpunta. Ugaliing Ilagay ito sa bag kasama ang iyong cellphone wallet, panyo, pabango at iba pang personal items.
Oo nga pala Passig Islet Agri-Ecopark ang pangalan ng isla na iyon.. pumunta kayo don. Balak kong bumalik don kasama ng........... kung sino ang gustong sumama.. yong may panligo na.. hehehe...
First time ko palang magtagalog sa blog na ito. hehe.. ok ba? kumusta naman ang tagalog ko? tama ba ang mga barirala, panghalip, pantukoy at kung anu-ano pa?!! hehe.. pinagbibigyan ko lang yong ibang nagsabi na ayaw nila magbasa sa blog ko kasi nagkakaroon sila nang epistaxis. hehe.. at pangalawa na iimpluwenshan nadin ako ni Bob Ong. hehe.. wala lang.. sige.. sige.. hanggang sa muli.. paalam!!

credits:
pictures: friendster.com

1 comment:

ovo said...

na diong kita na jud mga tanga kao tag nawong ato hehehe...sagdi lang one of a kind experience man pud