Tuesday, March 31, 2009

WALANG UNDERWEAR???


“Agad kong hinubad ang aking suot pantaas, kinuha ang aking sinturon at madaling tinanggal ang aking pantalon.”

"...natupad na ang pangarap kong BIGBROTHER, surVIVOR, at fEAr Factor experience in one!


Isang dapat ay napaka busing araw ay gumising ako sa di tamang oras. In short late na akong gumising kumpara sa naka schedule kong gising. Tumingin ako sa aking organizer at ito ang bumulaga sa akin

6:00am – devo, 8:30am – birth certificate sa munisipyo, 10:00am gawa ng resume, 1:00PM magbayad sa DMC, print songs, bili ng ng devo notbook, etc… etc..etc…—

Alas dyes ng umaga na nang ako naka gising! Di ko na malaman ang gagawin! Ano ang una at saan magsisimula. Nakasanayan na, pagkagising at syempre ang unang unang hahanapin ay ang cellphone! Kapa! kapa! Kapa! Hayon ang aking cellphone! at tamang tama sa labing apat (24) na menshe na nasa aking inbox ay may isang nagtxt sa akin galing sa isang kaibigan.

Paulo: Jong, wer ka now? Sabay ta Digos mi ni Ivo.terminal na mi karon.

Nireplyan ko….

Mart: Huh?! Mag unsa mo didto?

Paulo: graduation sa uyab ni Joseph.

Mart: Huh!? Nganong karon ra man mo nitxt nako uie.

Paulo: Abi man gud namo busy kaayo ka sa imong career! Basta sabay ka?

Mart: Basta naa man kahay kaon didto? Sige hulata ko dira w8!!!!

Translation: ( Isang kaibigan ang nagyaya papuntang ibang nayon: at sumama naman ako kasi may kainan daw!)

Daling dali akong naligo, nagbihis, kumain at gumawa ng devo. At pagkatapos Pumunta ako sa ecoland terminal. Hayon naabutan ko ang aking dalawang kaibigan na inis na inis kasi ang tagal ko daw. Ang sagot ko naman -tagalized version: “ Bakit kasi ngayon nyo lang akong sinabihan? Na nasa terminal na kayo? Kagigising ko lang! eh kung sinabihan nyo kaya ako kagabi pa? eh sana nasa Digos na tayo ngayon ..etc.. etc.. wag nyong painitin ang ulo ko!“ haha! At parang nasindak ko pa sila.. ganyan lang yan.. hehe.. reverse psychology ehka nga! Lol!

Agad agad ay sumakay kami ng BUS papuntang Digos City. Habang nasa Bus hayon.. kwentuhan, asaran at kung ano ano pa!. Nang nasa Digos na kami ay dumeretso kami sa CAP ang venue kung saan ginaganap ang graduation ng pinuntahan namin. Pumasok kami at nanood ng graduation ceremony nila ng buong seesion na naka tayo. Wala na kasing upuan. Kahit na masakit sa paa eh di parin ako umalis. Aliw na aliw ako sa mga nagsaslita sa harap.: Ang mga masters of the ceremony, guest speakers, ang mga nag speech etc…. Hindi dahil napaka inspiring ng mga sinasabi o nakaka touch kundi dahil sa mga mali maling ingles at pagbigkas ng mga salita. Para akong nanoonood ng paborito kong comedy show. Hehehe. Pagkatapos ng seremonya ay napaka exited ko kasi sa isip ko kainan na! Ngunit ako’y nabulaga ng huminto kami sa Jollibee. Hayon at doon pala ang kainan. Isang burger meal na walang cheese ang kinain namin. Masayang masaya naman ang lahat na nagkukuwentuhan. Masaya naman ako kasi kahit papaano eh libre lang yon. Masarap nga ang libre. Kahit anong libre. Hehehe..


Sa daan pauwi kasama ang dalwa ko pang kaibigan naisip nilang pumunta muna sa isang isla daw na maganda ang view. Hayon at pumayag naman ako. Bumaba kami sa may Sta. Cruz at doon sumakay ng banka papuntang isla. Pag apak ko sa isla ay napaka saya ko! Wowwowowow!! Wowowwow!! Ako’y napapa Siiinnnggg!.. Nagandahan ako sa nakita ko, isang maliit na isla sa gitna ng karagatan, white sand at napakaganda ng mga cottages. Ako ay agad na naglibot sa buong lugar tinanggal ang aking sapatos at naka paa na parang batang nag tatatakbo sa tuwa. Kumukuha ako ng litrato gamit ang malapit na ma empty batt kong cellphone. Habang ako ay naglibot, naisipan kong ang sarap maligo. Ngunit wala nga sa plano ang pagpunta namin sa lugar na yon. Isang pang graduation ceremony nga ang mga kasuotan namin at higit sa lahat wala naman kaming damit na pampalit o kahit tuwalya man lang… Nawalan kami ng pag-asang maligo. Ngunit dahil napaka talino ko nga, sabi nila. Gamit ang napaka galling kong isip, may napaka brilliant akong ideya: “ Bat di nalang tayo mag briefs maligo?! At pauwi wag nalang tayong mag briefs?!” .. Hayon at ang dalawa kong sanguine na kasama ay pumayag naman kaagad sa kanilang pinuno. Hahaha!! Agad kong hinubad ang aking suot pantaas, kinuha ang aking sinturon at madaling tinanggal ang aking pantalon. Nilagay ko sa isang tabi at agad agad na tumalon talon, tumakbo, takbo at naligo sa gitna ng karagatan.. aahooo!!! Im freeeee!! Hahaha.. Sumonod naman ang dalawa pagkatapos ng ilang minuto. Gusto ko sanang kumuha ng litrato sa mga oras na iyon ngunit wala naman kaming dalang digital camera at nawalan ng batterya ang mga cellular phones namin. Hindi na namin yon inisip basta kami ay lumangoy langoy! Tumakbo takbo sa ilalim ng napakalaking buwan at nag luluningning na mga bituwin sa gitna ng kalangitan.haha! ang aliw!!


Muntik pang hindi kami makauwi sa gabing iyon kasi nga patay na ang aming mga telepono. Di na namin ma text ang kabilang isla upang kami ay kunin gaya nang napagkasunduan. Akala ko talaga ay ma sastcok na kami don ng walang damit at pagkain. Wala na ngang ibang naliligo doon wala pang tindahan. Huhuhu! Buti nalang andon pala ang bata na kasama ng bankero, hinihintay kami. Buti na lang. Edi sana natupad na ang pangarap kong BIGBROTHER, surVIVOR, at fEAr Factor experience in one! haha

Nang kami ay pauwi at sumasakay ng Bus at taxi nag aasaran kami upang marinig ng mga katabi namin na wala kaming underwear na bumabyahe. Hahaha.. Pwede pala yon. Di naman alam ng mga tao na wala kami non. Hahaha..

Bago sila umuwi sa mga bahay bahay nila eh pumunta muna kami sa aming bahay at doon nag haponan. Ikinwento naming tatlo sa mga magulang ko ang mga nangyari at nabaliw din sila sa kakatawa. Hahaha! Pero wag nadaw ulitin kasi delikado. Baka matulad kami sa mga ICRC volunteers na, na hostage! Haha!

MGA LEKSYON:

  1. Pwede palang maging napakaaliw na araw ang dapat na napaka busing araw.
  2. Magtanong muna kong saan ang kainan, bago pumunta sa malayong lugar para kumain. ( pwde naman akong kumain sa jollibee sa may malapit lang sa amin kesa gumastos pa ng mahigit P160 na pamasahe para lang kumain sa napakalayong branch ng Jollibee.
  3. Magdala ng digicam palagi at extra battery
  4. Wag gawing comedy show ang isang napaka seryosong seremonya ( pigilan ang tawa)
  5. Higit sa lahat magdala na ng underwear kahit saan man magpunta. Ugaliing Ilagay ito sa bag kasama ang iyong cellphone wallet, panyo, pabango at iba pang personal items.
Oo nga pala Passig Islet Agri-Ecopark ang pangalan ng isla na iyon.. pumunta kayo don. Balak kong bumalik don kasama ng........... kung sino ang gustong sumama.. yong may panligo na.. hehehe...
First time ko palang magtagalog sa blog na ito. hehe.. ok ba? kumusta naman ang tagalog ko? tama ba ang mga barirala, panghalip, pantukoy at kung anu-ano pa?!! hehe.. pinagbibigyan ko lang yong ibang nagsabi na ayaw nila magbasa sa blog ko kasi nagkakaroon sila nang epistaxis. hehe.. at pangalawa na iimpluwenshan nadin ako ni Bob Ong. hehe.. wala lang.. sige.. sige.. hanggang sa muli.. paalam!!

credits:
pictures: friendster.com

Tuesday, March 24, 2009

BCC NEWS TESTIMONY: FULL EDITION

"I appreciated that what matters in life more than anything is the Kingdom of God and His righteousness. This is the great purpose in man’s existence. We eat to live and not live to eat. We live not for thing. Not for the complexity of living." - MART--

I’m but a simple creation of HIM. A very typical ordinary person. I am the only child in the family so I tend to get everything what I want. What I want is what I get! People tagged me as a spoiled brat when I was little. But, despite my parent’s hard work to offer me what I want I can still managed to be insensitive and being rude to them.

Before, my relationship with God is not that strong. I feel that I am a Christian but I don’t actuate what a real Christian does. I am just like any ordinary youth who is all about laughter and fun. I will do about anything to make someone enjoy. Even if that means me making a total fool out of myself or to others. I try not to care what people think about me or what people feel so I try to let things just roll off my back. I'm pretty laid back and like to go with the flow.

Living today is complicated. Many things clutter up our lives and tie us down. I desire everyone to have fun to the extent of engaging to any worldly pleasure. Alcohol, pornography and material possessions. Sometimes when you’re young you’re in love, you’re impulsive, and you do crazy things. You hurt people specially those who are so close to you, you easily get weak and frail without God.

At some point in my existence, I was so puzzled about my footpath. Though I had everything I want, I still felt empty, unfilled, alone, don’t know where I am heading. I asked God for a direction. Until God makes the youth reload happen in my life.


But He involves human beings whenever He can. That’s just how He works. I met my spiritual father and cell group. I joined open cell every week. But at first, I was not that submissive to my leader. Sometimes, I am not honest, I tell lies but throughout the process I gradually changed. Open cell molds me to be spiritually mature. One thing that stroked me most was when I was taught with the law. It made me realized who I am. I subjected myself in the process, started my pre encounter class and joined the encounter.

Joining the encounter was the most unforgettable experience. I recognized God more deeply, embraced Him, and of course receive direction and understand God’s true purpose for my life. I appreciated my mother and father more. That’s the time I received the Holy Spirit. I was renewed and offered my whole being to God and to be an instrument for His works. I gave up myself and gave up my heart for Him. For years I’ve searched for happiness and now the search ends here... because you are my happiness, the missing part of my whole. and now that you’re here, mine to keep, ill never ever let you go. Oh! God thank you! I’m yours. I appreciated that what matters in life more than anything is the Kingdom of God and His righteousness. This is the great purpose in man’s existence. We eat to live and not live to eat. We live not for thing. Not for the complexity of living. We celebrate life as God intended it to be in the first place. We were made to serve Him for He alone is the source of true happiness, security and contentment.


Christ would have us make first things first, and assures us that things of lesser importance and value will be supplied to each according to His or her need. Now I can trust God enough for my life to simply and solely for Him.

If we truly serve and trust God a bonus of great blessings will surely draw closer to us. Just last 2008 at 19 years old I graduated college with my bachelor degree and on the same year took the NLE exam. During my review days, a lot of struggles came. Family, friends, and financial problems that tried to cease me. But I remained firm and steadfast all for the Glory of GOD. When I got the board exam result I was so grateful knowing that I passed and a bonus rating of more than what I asked for. Today at 20 years old with God’s grace I am now a registered nurse. What I am trying to say is that, with HIM nothing is really impossible.




If you got abundant blessings of course you never want to fail sharing it to everyone. After the encounter, with my spiritual father, I aimed to have five cell mates within two months in accordance of our vision which is wining souls and making disciples but just five days after the encounter God bestowed me the life of my five greatest blessings. Today as I am continuing my process in the post encounter and hopefully towards the school of leaders. I feel so blessed having everything I have and following our vision which is multiplication of spirit empowered leaders serving as agent of change into our community and into the nations of the world.


So I am calling all the youth of today, let us together help each other to build a new transformation in this slowly deteriorating world making GOD the center of our lives.




credits: pictures - friendster.com video: youtube.com


Monday, March 9, 2009

I'M YOURS!


An ENCOUNTER WITH GOD
03/06-08/2009

HOPE MOUNTAIN!